Noynoy equals hope

Ako'y isang simpleng mamayan ng Pilipinas.Nagtratrabaho para sa pamilya, nag papaaral ng kapatid.

Isa sa mga nangangarap na maging maunlad ang bansa upang ang mga mahihirap ay may makain sa araw-araw,

may masilungan na bahay sa tag-ulan at makapag aral ang mga anak.

Hindi naman ako kabilang sa tinatawag na "urban poor" ngunit ramdam ko ang hirap na dulot ng kurapsyon ng

ating kasalukuyang gobyerno.

Nagbabayad ako ng tamang buwis na kinakaltas tuwing katapusan ng buwan sa aking sweldo.


Sa mga nangyayaring katiwalian ngayon, nasanay ko na ang aking sarili na mawalan ng pakialam sa pag boto.

Sa isip ko, kahit sino naman iupo sa pwesto, kung may pinag kakautangan yan ng loob dahil naluklok sya sa

position na yun ay wala parin silbi ang taong yun, hindi parin nya matutulungan ang bayan.

Sanggol palang ako noong nangyari ang pag papatalsik sa diktaturya ni Pangulong Marcos. Naalala ko ko noon

na paulit ulit pinapalabas sa TV ang pag paslang kay Senador Ninoy Aquino, at di ko rin malilimutan ang araw

na yun dahil ang Agosto 21 ay kasunod ng kaarawan ko. Di ko naramdaman ang Edsa 1 dahil sanggol pa ako nun.

Ngunit sabi ng aking mga magulang ay talagang nag kaisa ang mga Pilipino noon mga panahon na iyon.


Lumipas ang panahon, at ang kaisip na ako. Kolehiyo ako noong nangyari ang Edsa 2. Pinatalsik noon si Presidenteng Estrada dahil sa mga kasong pangungurakot ng pera ng bayan at kung ano anong mga illegal na gawain. Wala akong pakialam nun dahil sa totoo lang, wala rin naman malinis na ipapalit sa pwesto.


Sa akin lang, ay political move lang ang lahat. Hindi ako sumama sa Edsa 2, kahit na ang eskwelahan

namin ang nagbigay ng bus upang maka punta kami ng Edsa. Natulog na lamang ako sa bahay at tinawanan ang aking mga napapanood sa T.V. Edsa Dos? Eh parang mina niobra lang at niloko ang mga tao, sabi ko sa sarili ko. Bahala sila sa mga buhay nila dyan, kahit sino naman iupo mo sa pwesto, eh kung wala syang paninindigan sa sarili at takot sa Diyos, wala parin syang magagawa sa bayan.

Sa totoo lang, dapat 2 beses nako nakaboto. Isa noong tumakbo si Erap, isa naman noong tumakbo si FPJ.


Sabi ko naku po, mag sasayang lang ako ng oras pumila mag pa rehistro. So natulog na lamang ako sa bahay

habang ang mga tao noon ay naboto at binabantayan ang bilangan. Siguro sasabihin nyo sakin, na wala akong

kwentang Pilipino dahil wala akong pakialam sa mga nangyayari sa bansa. Sa totoo lang, sukang suka na kasi ako sa pamamalakad ng mga politiko na walang ginawa kundi payamanin mga sarili nila gamit ang pera na pinaghihirapan ng mga Pilipino sa pag babayad ng buwis.

Noong Agosto, yumao ang dating pangulo nating si Cory Aquino. Ipinarada sya sa kahabaan ng Metro Manila.

Sakto noon ay papunta akong Araneta upang manood ng concert. Matrapik ang pag baba ng bus sa Skyway at napilitan

na kami ng kaibigan ko bumaba at lumakad papuntang Magallanes. Sakto noon at parating na ang float ni

Cory. Nakiusyoso na kami sa kaganapan, masaya kasi maraming tao. Ang akala ko ay ang mga taong nag rarally

ay mga binayaran upang makilahok, tipical bang nangyayari tuwing kung gusto ng mga politiko na may patalsikin or just mag show off na may na supporta sa kanila. Tinignan kong maigi ang mga tao, nagulat ako.

Sabi ko sa sarili ko, wow, kakaiba ito, ang mga taong nandoon ay halo halo, may mga mahihirap, mayayaman, middle status, nakaka gulat. Masama ang panahon noon, malakas ang ulan, at talagang mababasa ka.

Nakaka gulat at nakaka panindig balahibo ay makikita mo ang devotion at pag mamahal ng Pilipino kay Cory.


Ang mga mayayayaman sa Magallanes ay walang pakialam na mabasa sa ulan maipakita lamang ang supporta at pakikiramay kay Cory, ang mga middle class, bumiyahe pa para makakuha lang ng pwesto makita lang ang float ni


Cory, ang mga mahihirap, kahit na magpakabasa sa ulan at mag lakad ng malayo ay nag tiis.

Pagkatapos noon ay binantayan ko ang balita tungkol sa pamilya Aquino. Nag research ako tungkol sa history ng pamilya nila, sa magkakapatid na Aquino. Noong nag deklara si Senador Noynoy na tatakbo sya sa pagkapangulo, sabi ko sa sarili ko, siguro panahon na upang ako'y bumoto. Si Among Ed Panlilio ang choice ko sana dahil walang pinag kakautangan sa pag kaluklok sa pwesto ang nangyari sa kanya, pero ngayong si Noynoy ang tatakbo, siguro panahon na upang mag karoon ng pagbabago ang Pilipinas.


Di ko sinasabing perpektong kandidato si Noynoy, ang aking lamang, atleast meron tayong pag asa dahil hindi sya corrupt, may takot sya sa Diyos, at dala nya ang pag asa. Di natin masisiguro na magiging maayos ang bansa kung sakaling manalo si Noynoy, pero atleast, merong pag asa. Kaya yoong mga walang pakialam na mga kabataan dyan, siguro panahon na upang tayo ay makialam at bumoto, dumating na ang hinihitay natin na pag asa upang tyo ay maka bangon.

 
Copyright © 2011. Ellisiyus . All Rights Reserved
Design by Herdiansyah . Published by Borneo Templates