BPO, ang modernong taga-alila

Patok na patok ang BPO at Call Center Industry dito sa Pinas. Maraming mga Pinoy ang nag karoon ng trabaho dahil sa pag-iinvest ng mga kompanya na galing sa ibang bansa. It seemed like a blessing para sa ating mga Pinoy. Ang kaso, nagiging mekanismo ito ng modernong pang aalipin.


Ngayon, ang nangyayari at epekto nito ay yung mga taong may trabaho eh inaabuso ng mga employer nilang banyaga. Abusado sa overtime na karampot lang bayad (minsan wala pa), abuso sa linya ng trabaho (Accountant na nagiging Call Center Agent, Engineer na nagiging Clerk, etc.) at napaka babang pasahod na parang pamasahe lang papuntang opisina ang katumabas. Kasama rin dyan yung mga kawalan ng mga tamang benepisyo na dapat na tinatanggap ng isang normal na mangagawa tulad ng Health Benefits, Social Security System at Pag - Ibig Fund.

Ang sabi ng iba, sa Call Center/BPO malaki ang sahod, pero sa totoo lang, mas malaki pa nga dapat ng doble or triple ang sahod dito. Kung sa mga "Industrialized Countries" nga eh ganon naman talaga ang pasahuran, so bakit binabarat ang mga Pinoy? Dahil ba sa mas mababa ang pinag aralan natin? Dahil ba mas superior ang lahi nila kaysa satin? Dahil ba mas maunlad mga bansa nila satin? Di dapat ganon. Nakakainis pa eh, kapwa natin mga pinoy ang nang aalipin sa mga kababayan natin. Yun yung mga pinoy na naka tungtong lang sa mataas na position eh kala mo na kung sino na, samantalang wala naman silang ginawa kundi himurin ung mga pwet ng mga amo nila banyaga.


Kaya eto lang masasabi ko, kayong mga capitalista na walang ginawa kundi alipinin at tawanan ang mga Pinoy na nag kakandahirap na patakbuhin ang mga companya nyo, mamatay na kayo, mahiya naman kayo sa sakripisyo ng mga empleyado nyong tapat sa trabaho nila. At sa mga pinoy naman na nag tratrabaho sa mga BPO na hindi masaya pero tapat sa trabaho, umalis na kayo, napaka rami pang oportunidad na tama para sa pagod at hirap mo.

 
Copyright © 2011. Ellisiyus . All Rights Reserved
Design by Herdiansyah . Published by Borneo Templates